Fickle Minded

I used to be the type of person na alam ang gagawin sa buhay…may direksyon, alam kung ano ang gusto at may plano…well at least, that’s what I thought I was two decades ago…ngayong 42 na ako…nakakaramdam na ako ng midlife crisis…yung mga dating pinursue ko at binalak na gawin…hindi ko na sya gustong ituloy ngayon kahit gaano pa kalaki yung nagastos ko at kahit na ginastusan pa yun ng asawa ko…ngayon, pakiramdam ko inaksaya ko na lahat – ang panahon at oras na ibinigay sa akin ng DIYOS nuon, ang panahon at oras na binigay ng mga mahal ko sa buhay sa akin at pagkakataon na ibinigay sa akin para sana maayos ko ang takbo ng buhay ko at mapapurihan ang DIYOS sa mga bagay na gagawin at ipu-pursue ko…ngayon, isa na lang alaala yun…bakit ba ako nagkakaroon ng ganitong mga realizations ngayon? kasi, bukod sa tumatanda na ako…naiinggit ako sa mga dati kong katrabaho at kakilala na mas maayos ang takbo ng buhay kesa sa akin ngayon…sila na hindi nag aksaya ng panahon at nilabanan ang takot at pangamba na meron sila at hinarap ang mga pagsubok at hamon sa buhay nila at buong tiwalang nanalig sa kakayahan na meron sila at nagtiwala sa DIYOS…Bakit Fickle Minded ang title ng entry ko ngayon? kasi, ganun ako…kahit nga mismong asawa ko halos masiraan na ng ulo sa akin kasi pasaway ako at pabago bago ng isip…pwede kong isisi sa ibang tao, sa mga naging karanasan at sitwasyon ko ang kinahinatnan ko ngayon pero naisip ko, anong buti ba ang idudulot nuon? sa ngayon na nagkakaedad na ako at limitado na lang ang maaari kong gawin, nananangan ako sa pangako ng DIYOS na siya ay tapat at hindi pabago bago ang isip at pagtingin sa akin…kahit na ako ay nagkamali at nagkasala, palagi syang nandyan para sa akin…kailangan ko lamang magkaroon palagi ng oras sa kanya at unahin sya sa lahat ng mga bagay na gagawin ko, ng sa ganon, kahit gaano pa katindi ang mga pagsubok na harapin ko, ay kakayanin at kakayanin ko pa rin yun..

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *