GOD is patiently waiting

This is my first entry on this paid blog. While it has been years since I last blog, I am hoping na sana maitawid ko ito. Taglish na yung entry ko no? Well, what really push me to write this entry is what happened this morning: My Mother received a call from her brother from the province. She said he is worried about my grandfather. May idinadaing yung lolo ko at hindi nya ito maintindihan dahil nabibingi na si lolo at nag uulyanin. hindi alam ng Tiyo ko kung paano sya matutulungan. Si nanay, nakuha pang pagalitan ang tiyuhin ko siguro dahil na rin sa pag aalala. ang ending? umuwi ang nanay ko sa bahay nila, para mas makausap nya ang tiyuhin ko since mahina ang signal ng cellphone dito sa amin, tsaka alam ko naman, kahit hindi nya sabihin, namimiss nya ang mga kapatid ko at tatay ko pati na mga pamangkin ko, dito kasi, kaming dalawa lang nandito. Papalit palit kasi sila ng tatay ko dito ever since nagkaroon ng sariling trabaho at pamilya yung mga kapatid ko na dati kong kasama dito. Ang asawa ko naman, andun, nagtratrabaho sa barko. siguro mga next month pa bago sya makabalik dito. wala kaming anak at hindi ko alam kung magkakaanak pa kami kasi pareho na kaming matanda. Lagi naman akong ganito, papalit palit ng kasama…ilang taon na rin…pero lately, hindi ko na kinakaya…lalo na ngayong nagkapandemiya…naaawa ako sa sarili ko…pero nitong nagka pandemiya, isang bagay ang naging malinaw sa akin: Hindi ko dapat iniaasa sa mga taong nasa paligid ko ang ikaliligaya ko. hindi ako dapat maging dependent sa ibang tao. hindi ko rin makukuha sa mga bagay na kaya kong bilhin at career na pinupursue ko o passion na akala ko ay makakapag define sa akin ang ikapapayapa ng kalooban ko at magpapasaya sa akin…walang ibang makakapuno ng pagkukulang na iyon na nasa puso ko kundi isa lang – si GOD lang…narealize ko rin habang nahihirapan ako kaninang gumawa ng entry na ‘to at i-trace kung ano ang password ko sa domain at blog host na ito na dahil sa napakatagal ko ng hindi nagsusulat at napakatagal ko na ring ipinagpaliban itong pangako ko kay GOD na gagawin ko ang blog na ito para sa kanya na napakabait ni GOD…napaka pasensyoso…inantay nya talaga ako…sana lang, mapanindigan ko ito…kasi, hindi lang ito therapy para sa isang malungkuting tao na kagaya ko kundi ito rin ay pagtupad sa isang pangako…who knows, baka dahil sa pagtalima ko at pagsunod kay GOD, unti-unti mapunuan ang kakulangan na nararamdaman ko dito sa loob ng puso ko…

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *