I am Enough

I am a middle child in a family of nine. simula pagkabata, lagi na lang akong naghahanap ng atensiyon para mapansin. sa pamilya, sa mga kaibigan, sa school at pati sa trabaho. pati sa buhay may asawa ko ngayon, kahati ko kasi ang trabaho ng asawa ko sa atensiyon niya sa akin. ang hirap, lagi na lang kailangan kong i-prove ang sarili ko para lang mapansin to the point na hindi na ako halos nagpapakatotoo kasi kailangan kong i-please yung ibang tao para matanggap nila ako. nabuhay ako ng halos apat na dekada na ganyan. pero nitong tumuntong ako sa forties ko (kasi 42 na ako ngayon), nagkaroon ako ng time na makapag isip isip lalo na ngayong panahon ng pandemiya. Isa sa mga naging realizations ko ay yung hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa ibang tao o kahit sa sarili kong pamilya at asawa. Bakit? kasi sabi sa Bible at sa mga online fellowships na napapanood ko sa ccf at victory: I am a Child of GOD. And If I am a child of GOD, tapos na ang usapan. uwian na…kasi, ibig sabihin, isa akong prinsesa…kasi, si LORD JESUS CHRIST ay Hari ng Sansinukob. Siya lang naman ang may likha ng langit at lupa at lahat ng bagay sa mundo. At dahil siya ang dakilang lumikha at ako ay naging anak niya ng ibuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ako sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, ibig sabihin…mataas ako…mataas ang quality ko at hindi ako pipitsugin…authentic, hindi fake, hindi class a or imitation…dahil duon, dapat akong mabuhay ng naaayon sa kung paano niya ako nilikha – bilang authentic, first class version ng sarili ko kung paano niya ako nilikha…wala akong kailangang patunayan sa ibang tao bagkus dapat kong i-reflect kung ano talaga ako sa kung paano niya ako nilikha – kawangis ng DIYOS AMA sa langit….siempre, hindi lang ako, tayong lahat na nagpapasakop sa kanya, sumusunod sa kanya at nanalig sa kanya bilang nag-iisang buhay na DIYOS.

Fickle Minded

I used to be the type of person na alam ang gagawin sa buhay…may direksyon, alam kung ano ang gusto at may plano…well at least, that’s what I thought I was two decades ago…ngayong 42 na ako…nakakaramdam na ako ng midlife crisis…yung mga dating pinursue ko at binalak na gawin…hindi ko na sya gustong ituloy ngayon kahit gaano pa kalaki yung nagastos ko at kahit na ginastusan pa yun ng asawa ko…ngayon, pakiramdam ko inaksaya ko na lahat – ang panahon at oras na ibinigay sa akin ng DIYOS nuon, ang panahon at oras na binigay ng mga mahal ko sa buhay sa akin at pagkakataon na ibinigay sa akin para sana maayos ko ang takbo ng buhay ko at mapapurihan ang DIYOS sa mga bagay na gagawin at ipu-pursue ko…ngayon, isa na lang alaala yun…bakit ba ako nagkakaroon ng ganitong mga realizations ngayon? kasi, bukod sa tumatanda na ako…naiinggit ako sa mga dati kong katrabaho at kakilala na mas maayos ang takbo ng buhay kesa sa akin ngayon…sila na hindi nag aksaya ng panahon at nilabanan ang takot at pangamba na meron sila at hinarap ang mga pagsubok at hamon sa buhay nila at buong tiwalang nanalig sa kakayahan na meron sila at nagtiwala sa DIYOS…Bakit Fickle Minded ang title ng entry ko ngayon? kasi, ganun ako…kahit nga mismong asawa ko halos masiraan na ng ulo sa akin kasi pasaway ako at pabago bago ng isip…pwede kong isisi sa ibang tao, sa mga naging karanasan at sitwasyon ko ang kinahinatnan ko ngayon pero naisip ko, anong buti ba ang idudulot nuon? sa ngayon na nagkakaedad na ako at limitado na lang ang maaari kong gawin, nananangan ako sa pangako ng DIYOS na siya ay tapat at hindi pabago bago ang isip at pagtingin sa akin…kahit na ako ay nagkamali at nagkasala, palagi syang nandyan para sa akin…kailangan ko lamang magkaroon palagi ng oras sa kanya at unahin sya sa lahat ng mga bagay na gagawin ko, ng sa ganon, kahit gaano pa katindi ang mga pagsubok na harapin ko, ay kakayanin at kakayanin ko pa rin yun..

GOD is patiently waiting

This is my first entry on this paid blog. While it has been years since I last blog, I am hoping na sana maitawid ko ito. Taglish na yung entry ko no? Well, what really push me to write this entry is what happened this morning: My Mother received a call from her brother from the province. She said he is worried about my grandfather. May idinadaing yung lolo ko at hindi nya ito maintindihan dahil nabibingi na si lolo at nag uulyanin. hindi alam ng Tiyo ko kung paano sya matutulungan. Si nanay, nakuha pang pagalitan ang tiyuhin ko siguro dahil na rin sa pag aalala. ang ending? umuwi ang nanay ko sa bahay nila, para mas makausap nya ang tiyuhin ko since mahina ang signal ng cellphone dito sa amin, tsaka alam ko naman, kahit hindi nya sabihin, namimiss nya ang mga kapatid ko at tatay ko pati na mga pamangkin ko, dito kasi, kaming dalawa lang nandito. Papalit palit kasi sila ng tatay ko dito ever since nagkaroon ng sariling trabaho at pamilya yung mga kapatid ko na dati kong kasama dito. Ang asawa ko naman, andun, nagtratrabaho sa barko. siguro mga next month pa bago sya makabalik dito. wala kaming anak at hindi ko alam kung magkakaanak pa kami kasi pareho na kaming matanda. Lagi naman akong ganito, papalit palit ng kasama…ilang taon na rin…pero lately, hindi ko na kinakaya…lalo na ngayong nagkapandemiya…naaawa ako sa sarili ko…pero nitong nagka pandemiya, isang bagay ang naging malinaw sa akin: Hindi ko dapat iniaasa sa mga taong nasa paligid ko ang ikaliligaya ko. hindi ako dapat maging dependent sa ibang tao. hindi ko rin makukuha sa mga bagay na kaya kong bilhin at career na pinupursue ko o passion na akala ko ay makakapag define sa akin ang ikapapayapa ng kalooban ko at magpapasaya sa akin…walang ibang makakapuno ng pagkukulang na iyon na nasa puso ko kundi isa lang – si GOD lang…narealize ko rin habang nahihirapan ako kaninang gumawa ng entry na ‘to at i-trace kung ano ang password ko sa domain at blog host na ito na dahil sa napakatagal ko ng hindi nagsusulat at napakatagal ko na ring ipinagpaliban itong pangako ko kay GOD na gagawin ko ang blog na ito para sa kanya na napakabait ni GOD…napaka pasensyoso…inantay nya talaga ako…sana lang, mapanindigan ko ito…kasi, hindi lang ito therapy para sa isang malungkuting tao na kagaya ko kundi ito rin ay pagtupad sa isang pangako…who knows, baka dahil sa pagtalima ko at pagsunod kay GOD, unti-unti mapunuan ang kakulangan na nararamdaman ko dito sa loob ng puso ko…